Nationals nagbanat ng buto

Bumawi ang Blu Star Detergent sa kanilang dalawang sunod na kabiguan nang kanilang igupo ang Montana Jewels, 75-65, sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBL Platinum Cup sa Pasay Sports Complex.

Sa naunang laro, nagbanat ng buto ang Philip-pine team kahapon upang maitala ang magaan na 81-76 panalo laban sa Sunkist-UST at itala ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Umangat ang Detergent Kings sa 2-2 panalo-talo makaraang ipalasap sa Jewelers ang kanilang kauna-unahang kabiguan makaraang magtagumpay sa kanilang unang dalawang asignatura.

Show comments