Si Barrera, isa sa kinukunsiderang pinakamahusay na featherweight sa mundo, ay napitpit sa mga lubid nang tamaan siya ng matinding kanan ni Pacquiao sa 11th round nang patigilin ng kanyang kapatid at cornerman na si Jorge Barrera ang laban.
Dinomina ni Pacquiao, IBF junior featherweight champion, ang laban simula sa second round ng laban sa Alamodome. Bugbog-sarado si Barrera mula sa mga matitinding suntok at kombinasyon ni Pacquiao sa kanyang katawan at ulo.
Sa kabilang dako, umaasa naman ang trainer ni Barrera na si Rudy Perez na ito na ang final bout para sa 29 anyos na boksingero mula sa Mexico City na ngayon ay may record ng 57-4.
Samantala, ipinaabot naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagbati sa panalo ni Pacquiao.
"The President is very happy about the success of Manny (Pacquiao) and on behalf of the President and her administration, we would like to congratulate our very own world champion for a job well done," ani Eric Buhain, chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).