Beer na Beer nalo uli sa Skyflakes

Muling iginupo ng Beer na Beer ang Skyflakes, 5-3 sa Game Four ng Corporate Billiards League (CBL) best-of-seven championship series sa Robinson’s Galleria.

Sinandalan ng Beer na Beer sina No. 1 RP at Asian Snooker player Marlon Manalo at Al Ortega para kunin ang 3-1 pangunguna sa event na ito na sponsored ng Tanduay The No. 1 Rhum katulong ang Rommel’s Billiards--ang official table.

Sa kabuuan ng laban, kapwa naging maingat ang dalawang koponan dahil sa palitan ng safe ball placings.

Ngunit sa simula pa lamang, nagpakita na ang Beer na Beer ng karakter at kumpiyansa.

Maagang nag-init si Manalo para kunin ang first at third rack habang umiskor naman si Ortega ng off the break laban kay SEA Games gold medalist at Skyflakes skipper Venancio Tanyo para sa 3-1 lead.

Na sweep ni Troy Danao ang fifth rack para makalapit sa 2-3 ngunit winalis din ni Manalo ang sumunod na rack para sa mas kumportableng 4-2 pangunguna ng Beer na Beer.

Nakalapit pa sa 4-3 ang Beer na Beer nang umiskor sa seventh rack si Dennis Baay ngunit minalas ito sa kanyang break sa sumunod na rack.

Show comments