Anong mangyayari sa 2005?
November 16, 2003 | 12:00am
Alam ninyo, talagang kinakabahan ako sa mangyayari sa 2005. At hindi ito dahil sa ibubunga ng eleksyon sa 2004 (na mukhang magiging magulo). Hindi. Ang kinatatakutan ko ay ang kalalabasan ng Southeast Asian Games dito sa atin.
Una, hindi pa malinaw kung saan at paano gagawin ang paligsahan. Kuwento ng ilang kapwa nating mamamahayag na napapailing lang ang mga atleta sa ibang bansa kapag sinasabing sa Rizal Memorial pa rin gagawin ang mga laro.
Maging ang mga pinakamataas nating mga sports officials ay di sigurado kung paano mapapaayos ang Rizal Memorial. Tandaan nating itinatag ito bago pa naging pangulo ng Philippine Commonwealth si Quezon.
At may isang malaking detalye tayong nakakaligtaan. Laging idinaraos ang SEA Games kasabay ng Advertising Congress. Kung hindi maisasaayos ang TV rights ng maaga (gaya ng nangyari ngayon sa Vietnam), hindi ito maibebenta agad.
Tila wala pang sumasakay sa formula ng L.A. Olympics. Nang mamuno sa organizing committee si Peter Ueberroth, ipinagkabit niya ang sponsorship ng mga laro at sa TV. Ibig sabihin nito, kung gusto mong magpalabas ng commercial sa TV, kailangang magpapatayo ka ng isang palaruan. Dahil dito, naging libre ang pagpapatayo ng mga swimming pool, velodrome, at iba pa. Sa madaling sabi, ang L.A. ang unang Olympics na kumita.
Ang mahirap nito, sinuman ang maging presidente sa 2004, magagahol siya sa oras ng paghahanda para sa SEA Games. Lahat na lang, sa huling minuto na naman, puro pahabol.
Onli in da Pilipins.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended