^

PSN Palaro

PBA games malabo na sa IBC 13

-
Tuluyan nang lumabo ang tsansa na mapanood sa IBC Channel 13 ang mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos na sabay-sabay na magresign ang pitong miyembro ng Program Committee (ProgCom) ng naturang himpilan dahil sa umano’y maanomalyang pamamalakad ni IBC 13 President & Chief Executive Office (CEO) Atty. Lincon Tan.

Sa apat na pahinang letter of resignation, isa-isang lumagda sina Bob del Rosario, Tessie Taylor, Jose Ramos Jr., Ma. Angelica T. Garciano, Dave Fugoso, Pete Dayao at Mel R. Rabadam.

Sa naturang liham, inilahad nila ang iba’t ibang hinaing patungkol sa mali at kuwestiyunableng pamamalakad ni Tan, partikular na rito ang mga dahilan kung bakit hindi na dapat pang i-ere sa kanilang istasyon ang PBA na inaabangan ng milyun-milyong Filipino.

Matatandaan na noon pang Oktubre 29, di na pinayagan ng ibang pamunuan ng IBC 13 na maipalabas ang PBA sa kanilang istasyon dahil sa P82 milyon utang ng Summit Sports Worlds Corporation, ang marketing arm ng PBA.

Isa sa hinaing ng mga ProgCom members laban kay Tan ay ang hindi pagtugon sa kanilang kahilingan na amiyendahan ang Memorandum of Agreement mula sa Summit Sports, partikular na rito ang pagbibigay awtoridad sa Dream Sports para naman ilako ang programa ng PBA sa kanilang himpilan.

Sa kanilang meeting noong nakalipas na Oktubre 16, ipinagmalaki umano ni Tan na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang Dream Sports, ngunit nang beripikahin, hindi ito nakarehistro dahilan para paghinalaan na isa itong ‘hao-shiao’ na kumpanya.

vuukle comment

ANGELICA T

CHIEF EXECUTIVE OFFICE

DAVE FUGOSO

DREAM SPORTS

JOSE RAMOS JR.

LINCON TAN

MEL R

MEMORANDUM OF AGREEMENT

OKTUBRE

PETE DAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with