Tour qualifying race babanderahan ni Espiritu

Pangungunahan ng top national rider ng bansa na si Victor Espiritu ang cast ng 286 siklista na maglalaban-laban ngayong linggong qualifying races para sa 2004 Tour Pilipinas.

At bukas ng umaga (Novem-ber 15) ang lahat ng aspirante ay sasabak sa 190-km road race course na magsisimula at magtatapos sa Cuenca, Batangas. At sa Linggo, isang 36-km Individual Time Trial (ITT) na karera ang pepedalin ng mga riders na magsisimula sa Lemery patungong Batulao sa Batangas rin.

Ang top 48-riders makaraan ang dalawang araw na qualifying ang siyang makakasungkit ng slots sa 2004 Tour kung saan ang Air21, FedEx at Mail and More ang siyang principal sponsored ng karera. Sila ay makakasama ng 36 iba pang siklista na pawang mga seeded matapos na makatapos ng kalahati sa 2003 Tour na suportado naman ng Caltex, BPI-MS at Lipovitan.

Ang susunod na 12 matapos na madetermina ang top 48 sa qualifyings ang siya namang magiging alternates ng 12 kopo-nan para sa susunod na summer’s Tour na nakatakda sa Marso 15 hanggang Abril 4.

Pagkatapos nito, gaganapin naman ang qualifying sa Tour of Puerto Princesa. Noong nakaraang linggo, idinaos ang kauna-unahang Metro Manila Special race na pinangunahan nina PagcorSports stalwarts Lloyd Reynante at Rhyan Tanguilig na tumapos ng 1-2 puwesto.

Nakatakda ang Tour of Puerto Princesa sa kooperasyon ni Mayor Edward Hagedorn sa Nov. 29-30 na lalahukan ng 36 seeded riders sa 2004 Tour at ang top 14 mula sa nakaraang qualifying gayundin ang mga local riders mula sa Puerto Princesa.

Samantala, ang Integrated Cycling Federation of the Philippines lamang ang may karapatang makipag-negosasyon ng lahat ng may kinalaman sa cycling.

Show comments