Bunga ng kabiguan nalasap ng tournament top favorite na Liquid Power, ipinakita nila ang determinasyong makabawi sa simula pa lamang ng labanan sa pangunguna ni Peter June Simon.
Humataw si Simon ng 15-puntos sa ikalawang quarter para sa kanyang 21-puntos na produksiyon upang ihatid sa 16-puntos na kalamangan ang Fash sa pagtatapos ng first half, 39-23.
Walang nagawa ang Blu Star sa ikalawang bahagi ng labanan na naging sanhi ng kanilang pagbagsak sa 1-2 win-loss slate habang uma-ngat naman sa 1-1 karta ang Fash.
Nilimitahan ng Fash sa siyam na puntos lamang ang kalaban sa unang quarter kasabay naman ng kanilang paghakot ng 21-puntos.
Ang bentaheng ito ay hindi na binitiwan pa ng Fash hanggang sa mapalobo nila ito ng 22-puntos sa pagtatapos ng ikatlong quarter, 61-39.
Ang pinakamalaking kalamangan ng Fash ay sa 23-puntos, 59-33.