"Theres going to be an emergency situation," pahayag ni Pacquiao noong Martes ng hapon nang siya ay umakyat sa Jesse James Leijas Gym. "You better call 9-1-1."
Walang titulo ang nakataya sa Alamodome kundi maliban lamang sa Ring magazine featherweight belt ang nakataya sa nakatakdang banggaan ng dalawang fighters sa harapan ng maraming bilang ng manonood na halos karamihan ay Mexicans.
"I want to fight Barrera because he is said to be the best in the world. If I beat him, I will be the best in the world," dagdag pa ni Pacquiao, na nagbalik sa 122-lb class sa nasabing event na mapapa-nood ngayong linggo.
Pinangasiwaan ng trainers na sina Freddie Roach at Justine Fortune ang open workout kung saan ipinamalas ni Pacquaio ang kanyang light-ning-footwork, mabibilis na k-may at malalakas na suntok.
"Im ready to go. There are only four days left," wika pa ni Pacquiao, na makikitang excited na sa kanyang laban sa Texas sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang apat na taon. Noong Mayo 1999, naglaban sina Luisito Espinosa at Cesar Soto sa border town ng El Paso.
Bago sumakay ang Team Pacquiao sa van na magdadala sa kanila sa Leijas Gym mula sa Radisson Hotel, pansamantalang tumigil ang mga tao ni Barrera na binubuo ng kanyang ama, sparring partners, trainers at conditioning coach na nakaupo sa lobby ng hotel sa kuwentuhan nang lumabas si Pacquiao at ang kanyang entourage sa elevator.
Bagamat halata na masyadong kumpiyansa sa kanyang nakatakdang 12-rounder, nagbago ng tono si Pacquiao nang siya ay interbiyuhin ng ilang television reporters at ni John Whisler ng San Antonio Express News makaraan ang kanyang workout.
Ligtas na sumagot si Pacquiao nang siya ay tanungin tungkol sa kan-yang prediksiyon at sinabi lamang nito na "will be ready to fight" at nangako sa mga taga-San Antonio fans ng "real good fight."
Sina Pacquiao at Barrera ay maghaharap sa kauna-unahang pagkakataon simula noong October 16 nang magdaos ang promoter na si Oscar De La Hoya ng press conference noong Miyerku-les ng hapon sa La Villita Assembly Hall.
Ang dalawang protagonists ay muling magkikita sa Biyernes ng hapon sa opisyal weighin sa Sunset Station.
Kailangan ni Pacquiao na tumimbang ng 126 o ng mas mababa ng konti na gaya ni Barrera.