Ang laban ay mag-uumpisa sa ganap na 1:45 ng hapon kung saan unang papalaot ang Montana Pawnshop at haharapin nito ang Viva Mineral Water.
Magtitipan naman sa tampok na laro ang 2002 Chairmans Cup champion Welcoat Paints at ang Blu Star Detergent.
Ang Jewelers ay nalagay sa unahan ng standings matapos ang pagtatagumpay nito sa inisyal nilang asignatura kung saan pinayuko nila ang Unity Cup titlist na Fash Liquid Detergent, 70-67, noong Sabado sa unang araw ng season-ending tournament na ito.
Sila ay haharap sa Water Force na opisyal nang magbubukas ng kanilang kampanya sa komperensyang ito.