^

PSN Palaro

WBC International flyweight crown naagaw ni Gabi

-
Dumaan muna sa butas ng karayom ang 24 anyos na si Prince Gabi na lumasap pa ng 6th round knockdown bago makaipon ng puntos tungo sa 116-110, 116-111, 114-112 panalo matapos na magdesis-yon din ang ring physician na pigilan ang laban makaraang lumasap ng aksidenteng headbutt cut sa kanang noo.

Bunga nito, naagaw ng kaliweteng taga-Kidapawan na si Gabi ang korona ng World Boxing Council International flyweight kay Randy Mangubat sa pamamagitan ng technical decision win sa 12th round ng mainer ng "Engkwentro" card noong Linggo ng gabi.

Halos naging chess match ang naunang laban nang kapwa pursigido sina Mangubat at Gabi. Ang matipunong si Mangubat ay nagladlad ng pressure mula sa tila get go na laban ngunit patuloy na nanalasa si Gabi sa paggamit naman ng lateral skills at anggulo.

Sa ikaapat na round, nagsimulang maghiyawan ang mga manonood sa pangalan ni Gabi sa dinumog na North Cotabato Provincial Gymnasium na naging inspirasyon ni Gabi at nagtulak sa kanya para dominahin ang susunod na round.

vuukle comment

BUNGA

DUMAAN

ENGKWENTRO

GABI

KIDAPAWAN

MANGUBAT

NORTH COTABATO PROVINCIAL GYMNASIUM

PRINCE GABI

RANDY MANGUBAT

WORLD BOXING COUNCIL INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with