^

PSN Palaro

'Engkuwentro' sa NBN-4 mamayang gabi

-
Isasa-ere ang ikaapat na pagdedepensa ni World Boxing Council International flyweight king Randy Mangubat sa kanyang korona kontra kay Prince Gabi ng Kidapawan mamayang alas-6 hanggang 8 ng gabi sa NBN-4.

Ang bigating 27 anyos na si Mangubat, beterano ng 60 laban, ay madaling nakapasa sa official weigh-in habang kailangan pang magba-was ng timbang ang naghahamong si Gabi para maabot ang limit.

Ang Mangubat-Gabi showdown ay ang main event ng punum-punong San Miguel Corporation-backed "Engkwentro" card, ang pinakamalaking boxing event sa Mindanao ngayong taon.

Nakuha ni Mangubat ang WBC International crown sa pamamagitan ng impresibong first-round knockout kay Korean Jong Kwan-Kim may tatlong taon na ang nakakalipas.

Si Gabi, dating amateur standout, ay may ipagyayabang na 23-2-1 ledger na may 19 KOs. Isang stylish counter-puncher na may malakas na body punching skills, kilala ito bilang pinakamahusay na prospect para sa world crown.

Bilang suporta, aakyat din sa ring si reigning Philippine Junior lightweight boss Bobby Pacquiao sa 10-round bout bago ang nakatakdang pagdedepensa niya ng korona kontra kay Bart Abapo ng Cebu sa Disyembre.

vuukle comment

ANG MANGUBAT-GABI

BART ABAPO

BOBBY PACQUIAO

KOREAN JONG KWAN-KIM

MANGUBAT

PHILIPPINE JUNIOR

PRINCE GABI

RANDY MANGUBAT

SAN MIGUEL CORPORATION

SI GABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with