^

PSN Palaro

Tour of Metro Manila papadyak ngayon

-
Pupukaw na ng atensiyon ang 84 siklista na inaasahang makiki-pagtagisan ng kani-kanilang talento sa pagpedal ngayong araw sa Metropolis ng kauna-unahang Tour of Metro Manila na sisimulan sa alas-9 ng umaga sa Marikina City Sports Park.

Inaasahang magtitipon-tipon muli ang lahat ng riders na pawang mga beterano ng nakaraang tag-init na Tour revival na ka-karera sa out-and-back 114-km course.

Nakalaan sa nasabing event na isa sa tatlong malaking karera na inilagay ng Tour Pilipinas Inc., at prinsipal na itinataguyod ng Air21 ngayong November ang kabuuang premyo na P165,000. Ang mananalo sa tour na ito na sponsor rin ng FedEx at Mail and More at BPI-MS (official insurer), Caltex (official fuel provider for the race caravan) at Lipovitan (official energy drink) ay tatanggap ng P25,000.

Tinatayang mahigpit na paborito si Arnel Quirimit sa karerang ito, ngunit ang lahat ng kanyang mga naging karibal sa nakaraang tag-init na bikathon ay siguradong naghanda na ng todo para sa nasabing premyo at inaasahang dadaan muna sa matarik na landas ang ipinagmamalaki ng Binalonan, Pangasinan na siklista upang mapanatiling mataas ang kanyang reputasyon.

Ang lahat ng koponan na sumabak sa nakaraang summer’s Tour--Tanduay, Intel, Samsung, PagcorSports, Bowling Gold, PLDT-NDD, Gilbey’s Island Punch, DILG Patrol 117, DILG Drug Busters, DENR Ecosavers, DOTC Postmen at BIR Vat Riders ang siya ring maglalaban-laban sa karerang ito.

Pangungunahan ni Marikina Mayor Ma. Lourdes Fernando ang pagpapakawala sa mga siklista siya ay sasamahan nina Air21 chairman Bert Lina, na siya ring Tour Pilipinas chairman at presi-dent ng Integrated Cycling Fede-ration of the Philippines, at Tour organizer at Air21 president Lito Alvarez.

ARNEL QUIRIMIT

BERT LINA

BOWLING GOLD

DRUG BUSTERS

INTEGRATED CYCLING FEDE

ISLAND PUNCH

LITO ALVAREZ

LOURDES FERNANDO

MAIL AND MORE

MARIKINA CITY SPORTS PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with