"In fulfilling our commitment to keep cycling active and dynamic the whole year, we have put up major races this month alone," ani Bert Lina, Tour Pilipinas chief at chairman ng Air21, ang principal na backer sa karera.
Sa Linggo, Nobyembre 9, iikot sa metropolis ang 84 siklista sa pagtatanghal ng 114-km Metro Manila Race, na suportado din ng FedEx at Mail And More ,BPIMS (official insurer), Caltex (official fuel provider), at Lipovitan (official energy drink).
Sa Nobyembre 15 at 16 ang Batangas naman ang punong abala sa dalawang araw na qualifying. Ang unang araw sa Nobyembre 15 ay 190-km massed start sa kapaligiran ng Cuenca. At ang ikalawang araw naman sa Nobyembre 16 ay ang 36-km Individual Time Trial mula Lemery na dadaan sa Tagaytay patungong Batulao.
May 300 riders ang maglalaban-laban para madetermina kung sino ang makakakuha ng slots sa drafting ng siklista sa 12 koponan ng Tour Pilipinas--Tanduay, Intel, Samsung, PagcorSports, Bowling Gold, PLDT-NDD, Gilbeys Island Punch, DILG Patrol 117, DILG Drug Busters, DENR Ecosavers, DOTC Postmen at BIR Vat Riders --na siyang kasali.
Sa Nobyembre 29 at 30 naman punong-abala si Mayor Edward Hagedorn sa kauna-unahang Tour of Puerto Princesa na bahagi ng commitment ng alkalde sa sports tourism na kanyang sinimulan para palakasin ang turismo ng kanilang bayan.
Ang Puerto Princesa sa event ay 120-km circuit race sa unang araw at 160-km massed sa ikalawang araw kung saan pamumunuan ni Victor Espiritu, pangunahing siklista ng national team.