^

PSN Palaro

DE OCAMPO O SOTTO?

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Nalalapit na ang araw ng paghuhukom sa kampo ng Shell Velocity.

Judgment day, ‘ika nga.

Magdedesisyon na si coach Perry Ronquillo kung sinu-sino ang mananatili sa kanyang line-up at kung sino ang kanyang ilalaglag. At marami talaga siyang ilalaglag base sa performance ng kanyang koponan sa huling dalawang seasons kung saan palagi na lamang nangungulelat ang Turbo Chargers.

Natapos ang season ng Turbo Chargers kahapon at kahit pa ano ang nangyari sa kanilang laro laban sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs ay tiyak na kasama na sila sa lottery para sa Number One pick ng 2004 PBA Draft. At sa Enero ay titiyakin ni Ronquillo na makukumpleto na ang kanyang line-up.

Kasi nga, sinasabi ni Ronquillo na ang lahat ng materyales na kailangan niya ay nasa kasalukuyang line-up. Mayroon siyang dalawang mahuhusay na point guards sa katauhan nina Dale Singson at Rensy Bajar. Mahuhusay din ang kanyang mga off-guards na pinangununahan ni Christian Calaguio. Okay din naman ang kanyang shooter na si Anthony dela Cruz at nakuha na nga niya si Eddie Laure sa taong ito. Isa na lang talaga ang kailangan ng Turbo Chargers at ito’y ang matinding sentro. Kaya naman tiyak na iyon ang kukunin ni Ronquillo bilang No. 1 pick sa 2004 Draft. O kaya’y No. 2.

Hindi ko nga lang alam kung maituturing na dominant big man ang sinuman kina Ranidel de Ocampo at Ervin Sotto na sinasabing papasok sa PBA Draft.

Sina de Ocampo at Sotto ay parehong hinabol ng Philippine Team para sa darating na Vietnam Southeast Asian Games. Katunayan, sinasabing kung ang dalawang ito’y napabilang sa RP Team ay hindi sana ganoon kasama ang naging performance ng tropa ni coach Aric del Rosario sa nagdaang ABC Men’s championship na ginanap sa Harbin, China.

Kaso mo’y hindi nga ipinahiram kaagad ng kanilang collegiate team, St. Francis of Assisi College ang dalawang ito dahil sa may liga pa sila at nasa finals nga ang Doves.

Kung titingnang maigi sina de Ocampo at Sotto ay masasabing medyo hilaw pa ang mga ito. Pero sinuman sa dalawang ito ay tiyak na mas magaling kaysa sa dalawang sentrong "project" ni Ronquillo -- sina Frederick Canlas at Adonis Sta. Maria na halos hindi naman nagagamit.

Si Canlas, na galing din sa St. Francis of Assisi, ang pinakamatangkad na manlalaro sa koponan ni Ronquillo. Siya ay napili sa first round noong isang taon at sinasabing isa ngang proyekto ni Ronquillo. Pero ang tagal bago ma-develop ang proyektog ito. Dalawang taon na ay wala pa ring naging improvement sa kanyang game.

Si Sta. Maria, isang produkto ng La Salle, ay sa second round ng 2003 Draft kinuha ni Ronquillo matapos na palampasin niya ang mga tulad nina Billy Mamaril, John Ferriols at Enrico Villanueva. Poject din si Sta. Maria at naalala ko pa na sinabi ni Ronquillo na suwerte sila’t inabot pa nila si Sta. Maria. Anong klaseng swerte iyon?

Marahil ay tutoong susuwertehin na ang Shell sa 2004 Draft dahil sa sinuman kina de Ocampo at Sotto ay hindi matatagalan bago tuluyang mamayagpag sa PBA. Bagamat hilaw nga sila ay malaki ang potential na maging dominante kaagad sila sa loob lang ng ilang buwan at hindi sa loob ng ilang taon.

ADONIS STA

BILLY MAMARIL

CHRISTIAN CALAGUIO

DALAWANG

DALE SINGSON

EDDIE LAURE

OCAMPO

RONQUILLO

SOTTO

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with