^

PSN Palaro

Tanamor at Payla sa championship

-
HYDERABAD, India -- Gigil na maipaghiganti ang kabiguan ng mga kababayan, namayani sina Harry Tanamor at Violito Payla at makausad sa championship round ng boxing competitions ng first Afro-Asian Games sa GMC Balayogi Stadium, Gachibowli dito.

Ipinakita ni Tanamor ang kanyang husay na nagbigay sa kanya ng silver medal sa Busan Asian Games at iba pang international titles nang kanyang gapiin si Serik Sikymbayev ng Kazakhs-tan 28-6 sa kanilang semifinal match sa light-flyweight division.

Sa kabilang dako, nagbigay naman ng malamig at kalkuladong laban si Payla na baga-mat hindi naging magan-da ang panimula ngunit dinurog pa rin ang South Korean fighter na si Kim Ki-suk, 21-12.

Para kay head coach Pat Gaspi, ang makatun-tong sa finals ay isang malaking bagay, at daigin ang Indians para sa gold ay mahalaga.

Makakaharap ni Tana-mor ang hometown bet na si Mohd Ali Qamar,na nagtala ng 21-12 panalo kay Ethiopian Endel-kalchew Kebede, habang si Payla naman ay maki-kipagpalitan ng kamao sa isa pang Indian na si Akhil Kumar, na namayani naman kay Paulus Am-bunda ng Namibia, 44-25, sa finals.

Bigo din si Roel La-guna na yumuko kay Uzbek Dilshod Mahmu-dov ng Uzbekistan 5 -32, at nakuntento na lamang sa bronze sa lightweight division.

Samantala, tatapusin nina middle distance runner John Lozada at team nina Rod Tanuan, Ronnie Marfil, Jimar Aying at Ernie Candelario ang kampanya ng tracksters kung saan lalahok si Lozada sa 800m run at quartet sa 4x100m relay.

Nakakuha ng silver medal ang athletics team nang magtapos sa likuran ni Anju George ng India si Lerma Bulauitan-Gabito sa long jump. Tumalon si Gabito, ng 6.30 para maungusan ang Nigerian na si Esther Aghatise para sa silver.

Makalipas ang limang araw, ang Philippines ay may 0-2-7 (gold-silver-bronze) inani, na ang dalawang bronze medal ay mula sa tambalan nina Adelo Abadia at Johnny Arcilla na yumuko kina Indian Rohan Bopanna at Mahesh Bhupathi, 3-6, 2-6, sa men’s doubles semis at Czarina Arevalo, na natalo naman kay Sania Mirza ng India, 4-6, 1-6, sa ladies singles.

ADELO ABADIA

AFRO-ASIAN GAMES

AKHIL KUMAR

ANJU GEORGE

BALAYOGI STADIUM

BUSAN ASIAN GAMES

CZARINA AREVALO

ERNIE CANDELARIO

ESTHER AGHATISE

ETHIOPIAN ENDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with