Gabi binalaan ni Mangubat
October 30, 2003 | 12:00am
Binalaan ni reigning World Boxing Council International flyweight champion Randy Mangubat ang challenger na si Diosdado Prince Gabi at sinabing naghahanap ng gulo ang huli sa kanyang pagta-tangkang maagaw ang WBC title sa Nobyembre 9 sa Kidapawan City.
Idedepensa ni Mangubat ang kanyang 112 lbs title kontra kay Gabi sa San Miguel Corporation-backed "Engcuentro" card sa North Cotabato Provincial gymnasium dito.
Si Mangubat, beteranong banger na hawak ang 31-18-11 win-loss-draw baraha at may 14KOs ay nagsabing titirahin niya sa panga si Gabi sa kanilang nakatakdang 12 rounder.
"Sa panga ko sya titirahin. Di ko sya uurungan. Matira ang matibay," ani Mangubat, na nakapag-sparr na ng 100 rounds bilang paghahanda kay Gabi.
Ang malakas na si Mangubat ay nakipag-sparr kina Kid Orais, Elmer Muyco, Roberto Moreno at Joven Jorda at nagsasanay sa ilalim ni Lando Espinosa, kapatid ni dating world champ Luisito Espinosa.
Sa kabilang dako naman si Gabi, ay nagsasanay sa Kida-pawan City kasama ang mga sparmates na sina Pedro Malco at Alfren Bulala.
Bilang pangunahing suporta sa labang ito, nakatakda din ang laban nina RP junior lightweight king Bobby Pacquiao at Fil-Am slugger Arnick Arabala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest