AYAW PANG UMUWI NI SHANNON
October 27, 2003 | 12:00am
Mukhang ayaw pang umuwi ni Terrence Shannon dahil maganda ang ipinakita niya sa 109-85 panalong itinala ng FedEx Express kontra sa Sta. Lucia Realty noong Biyernes sa Makati Coliseum.
Sa larong iyon ay nagtala siya ng career-high 41 puntos bukod pa sa 13 rebounds, pitong assists, dalawang steals at isang blocked shot. Pinahanga din niya ang mga fans sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kung ilang matitinding slam dunks bagamat sumablay nga siya nang dalawang beses at nakantiyawan din.
Kaya naman kahit paanoy nakahinga nang maluwag si coach Bonnie Garcia. Kasi, kung nagpatuloy ang losing streak ng FedEx ay babagsak na sila sa ibaba ng standings at mangungulelat sila. Malalampasan na sila ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs.
Bago ang panalong iyon kontra sa Sta. Lucia ay nakalasap ng tatlong sunud-sunod na pagkatalo ang FedEx buhat sa San Miguel Beer, Coca-Cola at Purefoods para makatabla ang Hotdogs sa kulelat na puwesto sa kartang 3-8.
Sa puntong iyon ay dismayadong-dismayado talaga si Garcia kay Shannon lalo na nang mabalitaan nitong nagpu-puyat ang kanyang import.
Gustung-gusto na ni Garcia na palitan si Shannon at napusuan nga niya ang dating manlalaro ng Philadelphia 76ers na si Sam Clancy. Subalit hindi ito pumayag na pumunta sa Pilipinas dahil sa nais pa niyang subukan kung may kukuha sa kanyang ibang NBA team matapos na ilaglag siya ng Si-xers.
Puwes, mahihirapan nang kumuha ng kapalit ang FedEx dahil isang game na lang ang nalalabi sa elimination round at itoy kontra sa Alaska Aces sa Miyerkules. Sino bang import ang papayag na maglaro na ang garantiya ay isang game lang?
At kahit na mayroong pumayag, walang garantiya ang FedEx na kaagad na makapag-a-adjust ang bagong import sa kanilang sistema. Kahit na mas maganda ang credentials nito kaysa kay Shannon ay baka hindi kaagad ito makasundo ng mga locals at hindi rin makatulong sa dakong huli.
Mabuti na nga lang at medyo nagbago na si Shannon at natulungan nga silang magwagi laban sa Sta. Lucia kahit na hindi pa rin nakapaglalaro ang superstar na si Vergel Meneses. Kaya naman umaasa si Garcia na pagtutuunan na nang todo ni Shannon ang natitira nilang laro laban sa Alaska Aces.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended