Suko kay Gabi ang mga sparmates
October 26, 2003 | 12:00am
KIDAPAWAN City-- Sa sobrang lakas ni Diosdado Prince Gabi, wala na siyang maka-sparring dahil sumuko na ang kanyang mga sparmates sa kanyang paghahanda para sa November 9 showdown kay World Boxing Council International flyweight champ Randy Mangubat.
Sinabi ni promoter Soc Piñol na napilitan siyang mag-import ng sparmates matapos magreklamo ang mga boxers sa pakikipaglaban kay Gabi na kinabibilangan nina Pedro Malco ng Cebu at Alfren Bulala ng Bukidnon.
"Gabi has been looking great in the gym. We have tapped bigger sparmates this time. He will be ready to challenge Mangubat," wika ni Piñol.
Hahamunin ng 24-gulang na si Gabi na may 23-2-1 win-loss-draw kabilang ang 19 knockouts, si Mangubat sa 12-round bout na tinaguriang Engkwentro sa North Cotabato Provincial gymnacium sa Kidapawan.
Ang beteranong si Mangubat ay may 31-18-11 kartada kabilang ang 14 KOs.
Sa kanyang layuning makahawak ng WBC title, sinabi ni Gabi na iniaalay nito ang kanyang laban sa yumaong mentor na si Bing Reta, dating Davao City councilor at amateur boxing godfather bunga ng asthma.
Sa supporting bout, mapapasabak naman si RP junior lightweight boss Bobby Pacquiao kay Fil-Am Arnick Arabala ng Colorado sa10-round duel.
Si Arabala na lumaban sa US bago harapin si Pacquiao ay nagpahayag na ng kanyang kahandaan para sa labang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am