SMBeer nakalapit sa q'finals
October 26, 2003 | 12:00am
Kahit mahina ang produksiyon ni import Kwan Johnson, hindi ito naging hadlang para sa San Miguel na hugutin ang 90-78 panalo kontra sa Alaska para makasiguro ng play-off para sa huling quarterfinals berth ng Group A sa kanilang sagupaan sa Cebu Coli-seum sa pagbisita ng PBA Samsung Reinforced Conference sa Cebu City kahapon.
Si Johnson na nag-a-average ng double digit ay nalimitahan lamang sa walong puntos bunga ng mahigpit na depensang ibinigay sa kanya ng Aces.
Ngunit limang Beermen ang tumapos ng double digits sa pangu-nguna nina Dorian Peña at Danny Ildefonso na parehong may 15-puntos habang sina Nick Belasco, Olsen Racela at Joey Mente ay may 14, 13 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.
Ang panalong ito ay nag-angat sa San Miguel sa ikalawang puwesto bunga ng 5-7 record at kailangan na lamang nilang ipanalo ang huling laro kontra sa Group leader na Sta. Lucia para samahan ito sa susunod na round.
Bumagsak naman ang Alaska sa 4-7 record ngunit may natitira pa silang dalawang laro laban sa FedEx at Ginebra na kailangan nilang ipanalo upang di maabala ang kanilang pagsulong sa susunod na round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended