Davap champion sa 3rd Mindanao Games
October 25, 2003 | 12:00am
MATI, Davao Oriental -- Hindi nagpabaya ang host Davao City upang maisubi ang overall title kahit marami pang natitirang events sa pagtatapos ng 3rd Mindanao Games sa magandang bayang ito.
Kampanteng kampante na ang Davao City di tulad ng kanilang naging kampanya sa Cagayan de Oro noong 2002 dahil di na nakagawa ng malaking oposisyon ang kanilang mahigpit na karibal na Iligan City.
Nagsubi ang Davao City ng 70 gold, 64 silver at 47 bronze medals sa pagdomina ng mga events sa Mati na naging punong abala ng 4,000 athletes at officials, humigit-kumulang 2,000 chaperones at local tourists para sa 27 sports, siyam ang nadagdag sa nakaraang edisyon.
Bagamat dinomina ng Iligan City ang swimming competition sa pangunguna ng 14-gulang na si Monique Bacolod, nagkasya lamang sila sa second place sa paghakot ng 31-22-33 gold, silver, bronze sa Palarong ito na hatid ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman Eric Buhain.
Mula sa 3-4-10 performance ng Davao Oriental noong 2003 tumapos naman sila ngayon ng 21-17-37 para sa third place bilang isang magandang pagtatapos para sa selebrasyon ng ika-100 taon ng kanilang capital.
Nanatili sa ikaapat na puwesto ang Zamboanga City na may 20-19-14 habang ang General Santos City na pinangunahan ng 15-anyos na si Reyna de los Reyes na pinangalanang Miss Mindanao Games ay may 14-18-15 na produksiyon.
Ang bumubuo ng top-10 ay ang Cagayan de Oro 13-11-21, Panabo City 11-7-8, Koronadal City 10-13-10, Lanao del Sur 10-9-7 at Malaybalay City 7-5-6. Ang guest team na Ilocos Norte ay may 3-0-2 na produksiyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended