Mula sa mababang pwesto sa pagsasara ng kompetisyon kamakala-wa, tumabo ang mga Zamboangeñong weightlifters ng 12 sa 13 golds na itinaya sa naturang event kahapon, bukod pa sa dalawang pilak, upang mapalawig ang kanilang koleksyon sa 15-8-8 gold-silver-bronze, na nag-akyat sa kanila sa ikatlong posisyon sa pangkala-hatang medal standings sa likod ng Davao City at Iligan City.
Samantala, inihayag kahapon ni Mati Mayor Francisco "Paking" Rabat, na matapos ang palarong ito ay kanilang gagawing traning center para sa buong rehiyon ng Southern Mindanao ang Mati Centennial Sports Complex at umaasa siya na balang araw ay maging lugar ang bayang ito na mas malaking sports competition.
"Mati is rocked and shocked by all these events happening around us. But our people are so happy and you can see it in their faces," aniya.
Halos walang hirap ang pagtatagumpay ng Zamboanga City sa lara-ngang ito dahil sa kakula-ngan ng oposisyon, partikular sa 5 womens category kung saan wala silang naging katunggali.
Ang tanging gintong nakalusot sa kamay ng Zamboanga City sa event na ito ay sa 85-kg category kung saan dinaig ni Brix Labajo ng Davao City ang pambato nilang si Florante Mendoza sa iskor na 190.0-187.5.
Ang gold na ito ng Davao City ay isa sa 10 inani nila sa ika-4 na araw ng palarong ito, na lalo pang nagpatibay sa kanilang kapit sa pangkalahatang liderato. Sila ay nagwagi rin kahapon ng 2 event sa athletics, at tigatlo sa swimming at duathlon.
Sa kabuuan, ang nag-tatanggol ng pangkalahatang titulong delegasyon ng Davao ay mayroon nang 34 ginto, 42 pilak, at 31 tanso. Noong isang taon, 38-20-18 gold-silver-bronze.
Nananatili naman sa second over-all ang Iligan City (26-18-23), na mata-gumpay na naidepensa ang kanilang korona sa swimming kahapon sa pagtatapos ng event na ito. (Ian Brion)