^

PSN Palaro

POC, PSC kailang sumunod sa korte - BAPI lawyer

-
Walang magagawa ang Philippine Olympic Committe (POC) at ang Philippine Sports Commission (PSC) kundi sundin ang utos ng korte at kilalanin ang Basketball Association of the Philippines, Inc. (BAPI) bilang lehitimong organisasyon para sa naturang sports.

Sinabi kahapon ni Cecile Cinco, ang abogadong nagpanalo para sa legitimacy ng BAPI matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa korte na nagsimula noong 1995, na kailangang sumunod sina POC president Celso Dayrit at PSC Chairman Eric Buhain sa desisyon ng Court of Appeals noong Agosto 14 na kumilala sa BAPI bilang National Sports Association para sa Basketball.

Iginiit ni Cinco na ilihitimo ang kasalukuyang pamunuan ng Basketball Association of the Philippines (BAP) sa ilalim ng pamumuno ni Tiny Literal na nanalo sa aniya’y illegal na eleksiyon noong 1995 kung saan nanalo si Freddie Jalasco dahil idineklara ito ng korte na null and void.

"All other elections, except those prior to 1994, are illegal, including those of 2001 which put Literal and co. in power. The POC and PSC should recognize the court’s ruling because it is the law of the land," ani Cinco.

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CECILE CINCO

CELSO DAYRIT

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

CINCO

COURT OF APPEALS

FREDDIE JALASCO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with