Ito ay sa Disyembre 5-13 at dalawang lugar sa Vietnam ang pagdarausan nito. Isa sa Hanoi at isa naman sa Ho Chi Minh.
Pero sa ngayon tila ang handang-handa pa lamang ay ang ating mga boxers na napakaraming international exposures na dinaanan at siyempre ang athletics.
Ika ni Mr. Go Teng Kok, target nilang lagpasan ang kanilang magandang performance sa Kuala Lumpur Games kung saan sila ang nagbitbit sa Philippine team sa tagumpay.
Ngunit hindi rin siyempre pahuhuli ang ating Pinoy jins kung saan sumabak na sila sa world championships at nakapag-uwi ng medalya.
Kaya sa Vietnam tiyak na hahakot ng maraming golds ang jins at ang athletics natin.
Marami ang nagtatanong tungkol sa basketball na siyang paboritong sports ng mga Pinoy?
Kasi sa ilang nabasa nilang international competition, tila hindi naging maganda ang performance ng National squad.
Well, kasi naman masyadong nahirapan si national coach Aric del Rosario na i-train ang team na hindi naman buo pa. Kung baga eh, nagdampot-dampot lang siya ng mga players sa iba't ibang schools makaraang hindi payagan ang ilang players na napili niya mula sa UAAP.
Hindi natin masasabi pero, SEA Games lang ito at laging tayo ang naghahari sa basketball.
Kaya lang kung ganito ang sitwasyon lagi, papaano pa natin maabot o maibabalik ang supremidad ng basketball sa Asya? May nakapag-suggest na bakit daw hindi lang ang FEU Tamaraws na nag-champion sa UAAP ang ipadala sa SEA Games? Bakit nga ba hindi? At least champion team na ito at buong-buo ang kanilang samahan.
Sa klase ng pamamahala ng Basketball Association of the Philippines-- na walang programa --eh tiyak na sa kankungan tayo dadamputin.
Baka maging sa SEA Games ay mapahiya pa tayo. Huwag naman sana!
Dapat siguro tanggalin na lang kung sino yung malas sa BAP.
Anong masasabi n'yo?