Ginebra pataas nang pataas
October 20, 2003 | 12:00am
Kinumpleto ng Ginebra ang cast ng quarterfinals ng Group B nang kanilang patalsikin sa kontensiyon ang Shell Velocity sa pamamagitan ng 110-82 pananalasa kagabi sa pag-usad ng eliminations ng PBA Sam-sung Reinforced Conference sa PhilSports Arena.
Humataw si import Roselle Ellis para sa Gin Kings ng 36-puntos at 23 rebounds tungo sa kanilang ikaanim na panalo sa 11 laro bilang magandang pagsalubong kay Eric Menk na nakabalik na sa aksiyon mula sa kanyang calf injury.
Sasamahan ng Gin Kings sa susunod na round ang Coca-Cola at Red Bull at dahil sa kanilang panalong ito, nalibre din sa biyahe ang Talk N Text (6-4).
Nalimitahan sa 13-puntos si import Jamal Kendrick bunga ng 6-of-19 field goal shooting na siyang nakasama sa Turbo Chargers na lumasap ng kanilang ikaapat na sunod na talo at ikawalo sa kabuuang 11 laro.
Dahil hanggang limang panalo na lamang ang kanilang pinakamagandang matatapos, tuluyan na silang nasibak sa kontensiyon.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Alaska Aces at Sta. Lucia Realty kagabi. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended