Ipagkakaloob nina PSC Chairman Eric Buhain, Mati Mayor Francisco Rabat at Gov. Ma. Elena Palma Gil ng Davao Oriental ang plaque of appreciation sa walong mahuhusay na atleta sa inagurasyon ng malaking sports event sa rehiyon na inorganisa ng PSC.
Pagkakalooban naman ng recognition sina Carlos The Big Difference Loyzaga at Ramoncito Campos, teammates ng basketball Hall of Famer na si Mayor Rabat sa RP squad na lumahok sa nakaraang 1954 World Championships sa Brazil at 1958 Tokyo Olympic Games at si Senator Robert The Big J Jaworski bunga ng kani-kanilang achievement.
Ang iba pang parara-ngalan ay sina dating sprint queen Mona Sulaiman at swimmer Jairulla Ambali Jaitulla na kapwa mula sa Mindanao.
Kabilang sa mga hindi taga-Mindanao na atleta na pararangalan ay sina Asias sport queen at ngayon ay Bulacan councilor Lydia de Vega-Mercado, boxer Arlo Chavez at basketball Joaquin Chito Loyzaga.
Aabot sa mahigit 41 local government units na lala-hukan ng 4,000 atleta at delegation members ang kakatawan sa anim na rehiyon sa Mindanao ang nagkumpirma na ng kani-lang paglahok sa nasabing event na suportado ng Pagcor, San Miguel Corp., PCSO, Baygon, Philcom, Burlington, Bachelor Ex-press, Air Philippines, WG&A Super Ferry, Systems Tech-nology Information at Samsung ang magtitipon mula sa Oct.19-24.