Nakalubog sa 1-3 makaraan ang dalawang rounds, bumangon si Geisler nang kumana ito ng 7 puntos sa huling round upang walisin ang Australian na si Manir Unalan, 8-4 sa lightweight finals at iambag ang isa sa limang ginto ng Filipino sa 43-country invitational tourney na ito.
Apat sa puntos ni Geisler ay mula sa dalawang head kick na nagpa-bagsak sa Aussie. Tinalo rin niya ang isa pang Aussie na si Hamza Jabran, 12-7 at Korean Jung Ju-Oh, 6-3 sa una niyang laban.
Ang iba pang Filipino na nagbulsa ng gold ay sina flyweight Tshomlee Go, welterweight Alexander Briones, heavyweight Dax Morfe at bantamweight Kalindi Tamayo.
Nagdagdag naman ng silvers sina bantamweight Manuel Rivero Jr., finweight Kathleen Alora, featherweight Antoniette Rivero, middleweight Margarita Bonifacio at heavyweight Ann Marga-ret Boyle, habang sina lightweight Veronica Domingo at middleweight Dindo Simpao ay nakaku-ha ng bronze upang kumpletuhin ang maningning na pagtatapos ng Petron RP squad sa kanilang kabuuang 13-medal out-put na sapat na para tu-mapos ng ikalawang puwesto sa overall.
Ang iba pang miyembro ng Petron RP squad na lumahok ay sina ban-tam Jefferthom Go, heavyweight Alessandro Lubiano, finweight Eva Marie Ditan at flyweight Daleen Cordero.
Mas naging angat ang performance nina Briones at Go kontra sa kanilang mga kalaban nang daigin ang mga Aussies na sina Adam Corrigan, 12-4 at Tumay Humza, 6-3, ayon sa pagkakasunod.