TRABAHO LANG
October 16, 2003 | 12:00am
Malaking kaguluhan ang ibinunga ng paghugot ng Pop Cola sa koponan nito sa darating na PBL conference. Di lamang iilan ang nabigla, lalo na ang dalawampung manlalarong pinagpipilian ng coaching staff ni Nash Racela, kabilang si Rhey Mendoza ng National University, Ron Capati ng College of St. Benilde, Ranidel de Ocampo ng RP Team, Raymond Dula ng Mapua, at pitong miyembro ng San Beda College.
Kung ating susuriin, nakakapagtaka kung paano mang-yayari iyon, gayung handa na ang PBL na tanggapin ang Pop Cola, at may usapan na. Kabilang pa ang Pop sa draft na ginanap noong ika-26 ng Seytembre. Kung baga, wala nang atrasan.
Ano ang nangyari?
Ayon sa ilan sa aming nakausap, hindi pa nalalaman ng Coca-Cola International ang tungkol sa koponan ng Pop. Pinag-usapan ang pagbuo ng team dito sa Pilipinas, at magandang ideya nga naman na balikan ng Pop Cola ang mga ugat nito sa basketbol. Kaya lang, may problema: ang pera ay manggagaling sa Coca-Cola.
Sa pananaw natin, wala namang dapat maging problema, dahil pareho naman ang nagmamay-ari ng dalawang pro-dukto. Subalit, sa pananaw ng mas malaking kompanya, itoy isang tradisyunal nang estratehiya. Bilhin ang kalaban, at pahinain o patayin ito.
Mahigpit na kalaban ng Coca-Cola ang Pop Cola dito sa Pilipinas. Sa tulong ng makinarya ng RFM Corporation, lumawak na ang sakop ng Pop sa mga probinsya, maaaring naging malapit na pangalawa sa Coca-Cola.Kung ikaw ang Coca-Cola, sa halip na gumastos ng bilyun-bilyon taun-taon para labanan ang Pop, bakit hindi mo na lang bilhin? Kontrolado mo na ngayon ang iyong numero unong kalaban. Minsanang gastos, pangmatagalang ginhawa.
Hindi na natin kailangang malaman ang mga plano para sa negosyo ng Pop Cola.
Mababasa na natin ang mga ito sa mga pahinang pang-kalakalan ng mga pahayagan, at mukhang hindi magiging maganda ang balita. Bakit nga naman pagbibigyan ng isang Goliath ang isang David, kahit ba magkapamilya na ang mga ito?
Para sa mga player na naghahanap ngayon ng team na masisilungan, gumagawa ng paraan si PBL Commissioner Chino Trinidad na matulungan sila, kahit pansamantala, para di naman maging malungkot ang kanilang Pasko.
Negosyo lang, walang personalan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended