Ang 24 anyos na si Tañamor, ay malinaw na pinakamahusasy na lightflyweight sa kanyang duwelo kay PDL Bedak ng Hungary ngunit bulag ang 5-man jury at binigo ang armyman mula sa Tubungan, Zamboanga City ng slot sa finals ng 12-nation event sa pamamagitan ng 20-22 score.
"Parang pinigil nila ang Philippines na makaabot sa finals para siguro sa mga bata nila. Pero para sa amin, panalo ang mga boxers natin," ani head coach George Caliwan.
Nalaglag din sa quarterfinals sina Sydney Olympics veteran Arlan Lerio (bamtamweight) at navyman Junard Ladon (featherweight), na tulad ni Tañamor ay kabilang sa mga pinakamahuhusay na gold medal winners sa first Goa International Championship sa India noong nakaraang linggo kasama din sina navyman Florencio Ferrer (lightwelter) at Warlito Parrinas (flyweight).