Bagong mukha naghari sa Avia USA 10K run
October 13, 2003 | 12:00am
Dalawang bagong mukha sa larangan ng footracing ang sumikat ang pangalan kahapon sa inisyal na edisyon ng Avia USA 10K Run ng kanilang pangibabawan ang kani-kanilang divisions sa out-and-back course ng Cultural Center of the Philippines Complex, Roxas Boulevard, Pasay City.
Kumalas ang national training pool mainstay na si Alley Quisay, 22-anyos na isang BSPE graduate mula sa Virgen Milagrosa University ng San Carlos City sa huling 400-metro upang tawirin ang finish line na una sa tiyempong 32 minuto at pitong segundo.
Apat na minuto lamang ang naging bentahe ng Tubong Bolinao, Pangasinan sa mga beteranong sina Cresenciano Sabal at 11 segundo na bilis naman sa third placer na si Reynaldo delos Reyes upang ibulsa ang top prize na P10,000 at ang Avia trophy. Sina Sabal at delos Reyes ay nag-uwi naman ng P6,000 at P4,000, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang umentra sa top ten overall winners ay ang mga sumusunod: 4. Alquin Bolivar (32:34) 5. Rio dela Cruz (33:20), 6. Jujet de Asis (33:28), 7. Simon Bolivar (33:50), 8. Esmeraldo Ondoy (34:43), 9. Alvin Canada (34:45) at 10. Modesto Madalang, Jr. (34:50).
Sa distaff side, dinuplika ng Laguna marathon winner na si Sealand Agana, 16-anyos na mag-aaral mula sa Fort Bonifacio High School ang kanyang naging panalo sa dating National Milo Marathon champ na si Liza Relox-Delfin nang kanyang iwanan ito sa tiyempong 41:17 kumpara sa 41:33 na kinana ng huli.
Tumersera naman ang greenhorn na si Ailene Tolentino ng Cagayan de Oro City (41:49) sumunod sina Shiela Ninabla (42:10) at Mary Ann Bucog, (43:44), na nagbulsa ng third, fourth at fifth places, ayon sa pagkakasu-nod.
Ang iba pang nagwagi sa womens division ay ang mga sumusunod: 6. Angelika Ellumer (44:10), 7. Michelle Tibagacay (45:20), 8. Enate Sayrol (45:29), 9. Edlyn Mabag (45:30) at 10. Maricar Gammad (45:33).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended