Nagsumite ng isang oras, 49 minutes at 16.46 seconds ang Rhum Riders sa 78km TTT na nagsimula at nagwakas sa Alaminos town na umikot sa Bolinao at maghari sa unang yugto sa dalawang araw na karerang ipiniprisinta ng Air21 at suportado ng FedEx at Mail and More.
Pinangunahan din ni Quirimit, tubong Pozzurubio at hari ng Tour Pilipinas 2003, ang individual na karangalan sa bilis na 1:49:14.64 at malakas na pumosisyon para sa pangunahing karangalan na nagkakahalaga ng P20,000 para sa 178 km. massed start na dadaan sa Alaminos patungong Mangatarem.
Pumangalawa naman ang Intel team ni Warren Davadilla kasunod ang DOTC Postmen, DILG Patrol 117 at Samsung.
Pinarangalan din ng Tour Pilipinas ang 16 Pangasinense na dating Tour champions sa simpleng seremonyas sa Mangatarem ang mga binigyan ng pagkilala at parangal ay sina Rufino Gabot (1957 Tour of Luzon), Mamerto Eden Sr. (1958 Tour of Luzon), Edmundo de Guzman (1962 Tour of Luzon), Gonzalo Recodos (1963 Tour of Luzon), Jesus Garcia Jr. (1973 revival Tour of Luzon, 1977 Tour of PICCA and 1977 Tour of Luzon), Teodoro Rimarim (1974 Tour of Luzon and Visayas), Samson Carino (1975 Tour of PICCA), Samson Etrata (1975 Tour of Luzon), Modesto Bonzo (1976 Tour of Luzon), Jacinto Sicam (1981 and 1982 Marlboro Tour), Romeo Bonzo (1983 Marlboro Tour), Ruben Carino (1984 Marlboro Tour), Pepito Calip (1985 Marlboro Tour), Bernardo Llentada (1991 Marlboro Tour), Santi Barnachea (FedEx Express Tour Calabarzon 2002) at Quirimit (Tour Pilipinas 2003).