Maliban kay Jacinto Sicam, isa sa natatanging apat na back-to-back Tour champions na yumao sanhi ng vehicular accident may ilang dekada na ang nakalilipas, ang lahat ng pararangalan ay dadalo para sa recognition rites na tatampukan ng dalawang araw na Tour Pilipinas Pangasinan races na presinta ng Air21.
Nakatakdang umakyat sa stage sina dating champions at ipinagmamalaking anak ng province ng kilalang Philippine cycling na si Rufino Gabot (1957 Tour of Luzon), Mamerto Eden Sr. (1958 Tour of Luzon), Edmundo de Guzman (1962 Tour of Luzon), Gonzalo Recodos (1963 Tour of Luzon), Jesus Garcia Jr. (1975 revival Tour of Luzon, 1977 Tour of PICCA at 1977 Tour of Luzon).
Teodoro Rimarim (1974 Tour of Luzon and Visayas), Samson Carino (1975 Tour of PICCA), Samson Etrata (1975 Tour of Luzon), Modesto Bonzo (1976 Tour of Luzon), Romeo Bonzo (1983 Marlboro Tour), Ruben Carino (1984 Marlboro Tour), Pepito Calip (1985 Marlboro Tour), Bernardo Llentada (1991 Marlboro Tour), Santi Barnachea (FedEx Express Tour Calabarzon 2002) at Arnel Quirimit (Tour Pilipinas 2003).
Napagwagian ng yumaong si Sicam ang Marlboro Tour sa magkasunod na taon noong 1961 at 1962 ang nasabing tagumpay ay dinuplika naman ng yumao na ring sina Jose Sumalde noong 1964-1965, Cornelio Padilla Jr. noong 1966-1967 at Carlo Guieb noong 1993-1994. Si Sicam ay kakatawanin ng kanyang pamilya.