Binugbog ng 24 anyos na si Tañamor, isa sa pinakamagaling na lighflyweight na nagmula sa Zamboanga City, si Kaezov Aedlot ng Kazakhstan, 21-7, at isiguro ang bansa ng bronze medal sa mahigpit na 12-nation event.
Ang Tubungan native at miyembro ng army special service unit sa ilalim ni Col. Manuel Marcon, ay dominado ang laban simula pa sa pagtunog ng opening bell at itala ang isang kumbinsidong tagumpay.
Susunod na makakaharap niya si PDL Bedak ng Hungary sa semifinals at nangakong kukunin ang panalo para sa posibleng gintong medalya para sa 5-man team na suportado ng Pacific Heights, Accel at Philippine Sports Commission.
Ang panalo ni Tañamor ay bahagyang tumabon sa kabiguan na naramdaman ni head coach George Caliwan at assistant Nolito Boy Velasco sa kabiguan nina Lerio at Ferrer.
Si Lerio, tulad ni Tañamor ay gold medalist sa first Goa International championship sa India noong nakaraang linggo lamang, ay tinamaan si Kim Ihyon ng North Korea ng malulutong na suntok ngunit hindi kapani-paniwalang ang limang hurado ay iniskoran ang bantamweight quartefinal; bout sa 15-17 kontra sa beterano ng Sydney Olympic.
Maging ang head jury na si Z. Sabeb ng Pakistan ay hindi makapani-wala sa resulta at agad na nilapitan at pinagalitan ang mga hurado.
Sa kabilang dako naman, umakyat sa ring si Ferrer sa lightwelter-weight na kakaiba pa nang magwagi ito ng silver sa India kontra kay Somchai Nakbalee ng Thailand ngunit tulad ni Tañamor ay bigo ito sa scorecards, 19-23.
"Marami naman ang nakakita at alam nila na dapat panalo tayo sa dalawa lalo na yung kay Arlan. Pero hindi pa tapos ang laban," ani Caliwan.
Naghihintay pa ng makakasama si Tañamor sa medal round at ito ay ang batang lightwelterweight na si Warlito Parrinas na mula naman sa Cadiz City.