^

PSN Palaro

2 sports event idaraos ng PSC sa Mindanao

-
Nakapuntos na naman si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain nang kanyang itakda ang buwan ng Oktubre para idaos sa Mindanao ang dalawang events ang 3rd Mindanao Games sa Mati, Davao Oriental at ang 2003 Palarong Pambansa sa Tubod, Lanao del Norte bilang highlights sa katahimikan.

Ayon kay Buhain ang nasabing dalawang games na inilagay ng PSC ay magsisilbing daan para mapag-isa ang Mindanao sports promotions and development program bilang tugon sa panawagan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maging epektibo sa peace and development sa Mindanao.

Idinagdag pa ng PSC na ang nasabing games ay hindi lamang magsisilbi bilang channels sa fast-tracking development sa region, kundi inaasahang makakatulong rin ito sa government sa pagwalis ng negatibong imahe ng isla ng Mindanao.

"We believe that the Mindanao Games and Palarong Pambansa will not only be viable vehicles in accelerating this development but will also serve as tools in promoting peace and unity in Mindanao," ani Buhain.

Optimistiko rin si Buhain na lalahok ang mga student-athletes sa pinal na pagdaraos ng Palarong Pambansa simula sa October 25-29 sa Mindanao Civic Center sa Tubod.

"I am confident that all student-athletes, who have started honing themselves back to action in time for the Palaro, will be in their tip-top condition," wika pa ni Buhain.

Ayon naman kay PSC commissioner at MG project director Leon Montemayor, na ang mga best athletes sa Min-danao ay inaasahang magpapakita ng aksiyon sa multisport open event sa Mati, Davao Oriental mula Oct. 19-24 sa Mati Centennial Sports Complex.

AYON

BUHAIN

DAVAO ORIENTAL

LEON MONTEMAYOR

MATI

MATI CENTENNIAL SPORTS COMPLEX

MINDANAO

MINDANAO CIVIC CENTER

MINDANAO GAMES

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with