Inaasahang malaki ang kikitain ng Pacquiao-Barrera promotions na isang HBO-televised event dahil ang mga naturang boksingero ang pinakamahusay na pound-for-pound boxers sa daigdig.
Ang 29 anyos na si Barrera ay sinukatang featherweight champion nang daigin nito si Naseem Hamed noong 2001 at kinikilala bilang pangunahing 126 lbs. boxer sa daigdig. Hindi rin pahuhuli si Pacquiao, na humahawak ng IBF belt sa 122 lbs. at kinokunsidera din na isa sa dalawang pangunahing junior featherweights sa daigdig kasama si Oscar Larios.
At bagamat isang non-title bout ang bakbakan na ito ni Pacquiao, malaki pa rin ang nakataya sa Pinoy dahil pangarap ni Pacquiao na gumawa ng malaking eksena sa US lalo na sa posibleng isang malaking perang labanan.
Sa labang ito, may garantiya ng $350,000 pera si Pacquiao, pinaka-malaking perang matatanggap niya sa kanyang boxing career.
Samantala, nakatakdang makipagkita sa press ang dalawang bok-singero sa San Antonio sa Oktubre 16 upang pormal na ihayag ang kanilang featherweight showdown.
Inaasahang makakasama ni Pacquiao si Roberto Nazario ang anak ng kanyang business manager na si Rod Nazario na palaging nasa ringside sa lahat ng apat na laban ng Pinoy sa Amerika.
Ang matandang Nazario ay nakatakdang dumating sa US kasama sina Ramon Lainez at Gerry Garcia sa Oktubre 20.