^

PSN Palaro

National shooters kumpiyansa sa Vietnam SEA Games

-
Sinabi ni dating Olympian at shooting president Art Macapagal na mas maganda ang magiging performance ng RP shooter sa nalalapit na Vietnam Southeast Asian Games para higitan ang kanilang pagtatapos sa Kuala Lumpur SEAG noong nakaraang dalawang taon.

"We won only one gold and several silver and bronze medals (sa Kuala Lumpur), but I’m confident that we’d surpass this record," wika ni Macapagal na lumaban sa 1976 Montreal Olympics kasama si Mariano ‘Tom" Ong, nang dumalo ito sa PSA Forum sa Manila Pavilion kasama ang mga national shooters na sina Nathaniel ‘Tac" Padilla at Rachel Capili at vice president/technical official Joey Mundo.

Ayon kay Macapagal, mas malakas ang koponang ipapadala ngayon sa Vietnam. "The shooters are in high spirits and they have trained hard and passed stringent qualifying test," aniya pa.

Sa katunayan, ang dalawampu’t dalawang shooters ay masusubukan muna bago sumabak sa Vietnam SEAG sa October 20-27 sa kanilang pakikibahagi sa Bangkok Open na katatampukan ng mahuhusay na marksmen hindi lamang mula sa rehiyon kundi sa buong Asya.

Bukod kay Padilla at Capili, ang mga kasama sa Bangkok ay sina Eric Ang, Jethro Dionisio, Jaime Recio, Roberto Bote Jr., Emerito Concepcion, Daryl Sandoval, Gilbert Escobar, Marcelo Gonzales, Carolino Gonzales, Edwin Hernandez, Eddie Tomas, Darius Hizon, Paul Brian Rosario, Susan Aguado, Therese Cantada, Luz Samaco, Gay Corral, Roselle Santos at Ma. Pilar Tan.

Hangad ni Padilla, ang pistol champion ng bansa mula noong 1976, na makakuha ng ginto sa kanyang paboritong pistol event kung saan naungusan siya sa Kuala Lumpur.

"I’m confident of making it this time," ani Padilla na may hawak ng national record na 587. "I think 580 is good enough to win the gold," anang 39-gulang na general manager ng Spring Cooking Oil, na sasabak din sa center fire at standard pistol events.

ART MACAPAGAL

BANGKOK OPEN

CAROLINO GONZALES

DARIUS HIZON

DARYL SANDOVAL

EDDIE TOMAS

EDWIN HERNANDEZ

KUALA LUMPUR

PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with