^

PSN Palaro

Archers asam ang sweep sa 66th UAAP Volleyball

-
Ipinosisyon ng De La Salle ang kanilang katayuan para sa posibleng sweep sa volleyball crowns ng 66th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) nang kanilang igupo ang University of the Philippines (UP) sa men’s at kanila ring pinigil ang defending champion Far Eastern U (FEU) sa women’s action sa UP Human Kinetics gym noong Linggo.

Bahagyang nahirapan ang Green Archers, runner-up sa natanggalan ng koronang Santo Tomas U noong nakaraang season bago nila mapayukod ang Maroons sa apat na set sa Game -One ng kanilang race-to-two series, 25-22, 19-25, 25-22, 25-12 panalo na inabot ng isang oras at 30 minuto.

Dumaan rin ang Lady Archers sa apat na set na labanan na inabot ng isang oras at 30 minutos bago nila naigupo ang Lady Tamaraws, 16-25, 25-19, 25-20, 25-23 para trangkuhan ang 1-0 kalamangan sa kanilang best-of-three series.

Ang Game Two ay lalaruin sa October 12.

Ang De La Salle na runner-up sa dalawang division noong nakaraang season ay umalagwa ngayong taon sa pagsungkit ng tatlong individual awards.

Nakopo ni Alejandro Mallari ang best blocker award, nahirang naman si Janley Patrona ang best setter habang napasakamay naman ni Martin Thomas libot ang best receiver plum para sa Green Archers. Sa women’s side, si Maureen Penetrante naman ang nag-wagi ng best receiver award.

Sa kabilang dako, tatlong individual award ang naisubi ng UP sa men’s side kung saan si Jarod Hubalde ang best spiker at best server, si Paolo Martinez ang nagbulsa ng best libero title, ang Tamaraw na si Edjet Mabbayad ang napiling top male rookie ngayong taon.

Tatlong manlalarong babae ng Tamaraws ang umukit ng individual awards--si Monica Aleta na best spiker, Cecile Chavas best setter at best server naman si Joanne Bunag, habang si Ma. Rosario Soriano ng Ateneo ang naluklok na Rookie of the Year at si Kristine Ann Dave ng Adamson ang tumanggap ng best receiver.

vuukle comment

ALEJANDRO MALLARI

ANG DE LA SALLE

ANG GAME TWO

BEST

CECILE CHAVAS

DE LA SALLE

EDJET MABBAYAD

FAR EASTERN U

GREEN ARCHERS

HUMAN KINETICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with