Import ng Barangay Ginebra papalitan
October 7, 2003 | 12:00am
Papalitan na ng Barangay Ginebra ang kanilang import na si Ricky Price at ang kapalit ay ang dating Coca-Cola import na si Roselle Ellis.
Gayunpaman, makakalaro lamang ito sa kanilang laban kontra sa Talk N Text sa susunod na Miyerkules dahil sa waiver requirements na napapaloob sa apat na koponang pag-aari ng San Miguel Corporation.
Sa ilalim ng batas ng PBA lahat ng koponan ay kailangang mag-pass sa tsansang makuha si Ellis bago ito makalaro sa Ginebra dahil siya ay pinakawalan ng iisang pag-aaring koponan.
Si Ellis na may average na 21.6 puntos, 11.7 rebounds, 3.8 assists at 2.1 steals kada laro sa Coca-Cola ay manggagaling sa 10 game stints sa Great Lakes Storm sa Continental Basketball Association kung saan may average itong 16.6 points, 7.9 re-bounds, 3.3 assists at 1.4 steals per game at nakabilang sa All-CBA Third Team.
Naglaro din si Ellis sa Chicago Bulls sa Reebok Rocky Mt. Revue noong nakaraang Hulyo. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended