Serbidad, Diaz nalo sa Patakbong Pinoy
October 6, 2003 | 12:00am
Dinomina nina Ronald Serbidad ng Far Eastern University at Gloria Diaz ng St. Francis of Assisi ang matagumpay na inaugural leg ng Beam-Zest-O Patakbong Pinoy na nagsimula at nagtapos kahapon ng umaga sa Raja Sulaiman Park sa Malate, Manila.
Nagtala si Serbidad ng 15 minutos at 18 segundos sa 5-km race upang talunin ang Army men na si Jojit de Asis (15:26) at Reynaldo delos Reyes (15:32) para sa top prize na P3,000 at tropeo. Sina De Asis at Delos Reyes ay nagbulsa ng P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod at tropeo.
Sa kabilang dako naman, naungusan ni Diaz ang University of Santo Tomas bet na si Liza Yambao sa kanyang isinumiteng 18 minutos at walong segundo para sa top prize na P3,000, habang si Yambao (18:56) at Marecil Maguolan (19:18) ng University of the East ay kumita ng P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod, sa karerang ito na gina-ganap sa koordinasyon ng Manila Sports Council sa pangunguna ni Ali Atienza at Jonel Promotions.
Napagwagian ng St. Augustine School of Nursing-Makati branch sa ilalim ng school director na si Regina Cordero ang special prize na P5,000 para sa kanilang delegasyon na umabot sa mahigit 200 entries sa karera na humatak ng atensiyon ng mahigit sa 1,000 runners.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended