Suarez, bagong kampeon ng 2003 AMF Bowling World Cup
October 6, 2003 | 12:00am
Isang impresibong laro ang pinakawalan ni CJ Suarez upang makopo ang titulo sa 2003 AMF Bowling World Cup makaraang pabagsakin nito ang kalabang si Marcel van den Bosch ng Netherland, sa Planeta Sipangco Bowling Center sa Tegucigalpa, Honduras.
Si Suarez, na hindi nakaabot sa cut sa quarterfinals noong nakaraang taon ng dalawang pins lamang, ay iginupo si van den Bosch, 205-202 at 232-209 para masungkit ang titulo sa mens division.
"I cant believe this is happening," anang 24 anyos na si Suarez, na double gold medalists din noong 2001 Kuala Lumpur Southeast Asian Games.
"I am so proud to be the first bowler from our country to win this title since 1996. I am hopeful that this victory will cause our national sports commission to give bowling even more attention and more support now," dagdag pa ni Suarez, na sumusunod sa yapak ni 4-time World Cup titlist Paeng Nepomuceno. Huling napagwagian ni Nepomuceno ang titulo noong 1996 sa Belfast, Northern Ireland.
Ang tagumpay ni Suarez, isang IT consultant at negosyante ay nagbigay sa bansa ng ikapitong world cup title, matapos ang apat ni Nepomuceno at tig-isa naman mula kina Bong Coo at yumaong Lita dela Rosa.
At ang panalong ito ay kasunod lamang ng impresibong tagumpay ng Pinay bowler na si Liza Clutario na nakipagtatluhan kina Liza Del Rosario at Cecilia Yap na kumopo ng gintong medalya sa womens trios sa World Tenpin championships sa Malaysia. Nasungkit din ni Del Rosario ang silver sa masters at bronze naman sa all-events.
Hindi naman naging masuwerte si Jojo Canare, nang matalo ito sa semifinals 0-2 kay defending champion Shannon Pluhowsky ng US na sinilat naman ni Kerrie Ryan-Ciach ng Canada para sa womens title.
"This is a tremendous boost to Philippine bowling. After our impressive performances in the FIQ world championship, we have really reclaimed our place in world bowling," masayang wika ni Steve Hontiveros, bagong halal din na presidente ng FIQ, ang interna-tional bowling federation.
Sa kanyang tinahak na daan patungo sa tagumpay, napanatili ni Suarez ang No. 5 puwesto niya sa unang dalawang araw bago nalaglag sa 7th place at magaan na umusad sa quarterfinals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended