Gold medals asinta ng 3 Pinoy boxers
October 5, 2003 | 12:00am
HO CHI MINH CITY -- Palalakasin ng RP Team Revicon ang kanilang kampanya para sa overall championship sa pag-akyat ng tatlong boksingero sa finals ng Pre-SEA Games Boxing championships sa Phan Dinh Phung Stadium.
Bubuksan ni pinweight Juanito Magliquian, beterano ng apat na SEA Games sapul noong 1995 ang pintuan ng Pinoy sa exotic Vietnamese city na kilala ding Saigon, at umaasang masusundan ito nina rookie internationalists flyweight Glenn Gonzales at bantamweight Joan Tipon.
Ang championship bouts sa torneong ito na humatak ng 9 na koponan mula sa limang nasyon ay gaganapin sa Linggo na may tatlong Pinoy ang umaasinta ng gintong medalya sa tatlong divi-sions. Ang RP boxers ay naririto bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa Vietnam SEA Games sa Disyembre at first Olympic qualifying tournament para sa Asia sa Palawan sa Enero.
Makakaharap ni Mag-liquian sa finals si Kaew Pongprayayoon ng Thailand 1 habang makikipag-tipan si Gonzales kay Nguyen Kien Cuong ng Vietnam 1 at makikipagpalitan ng kamao si Tipon kay Deng Xue Long, beterano ng 2000 Sydney Olympics mula sa China 1. Ang finals ay nakatakdang magsimula ngayong sa alas-7 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended