^

PSN Palaro

3 baguhang Pinoy sasabak sa aksiyon

-
HO CHI MINH CITY --Tatlong Pinoy boxers ang magde-debut sa kanilang kauna-unahang international appearance sa Pre-SEA Games Boxing championships na humatak ng 50 boxers mula sa limang bansa sa Phan Dihn Phung Stadium dito.

Unang masusubukan si Glen Gonzales na lalaban sa 51 kg. division kontra saVietnamese na si Nguyen Viet Lihn. Aakyat din sa ring si Joan Tipon laban naman kay Thai Kongdech Vaitam sa 54 kg. at Mark Melligen laban naman sa isa pang Thai na si Pongsak Hrian-thuan sa 64 kg.

Tatlo pang miyembro ng RP Team Revicon, na suportado ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights, Accel at Family Rubbing Alcohol ay sasabak sa aksiyon-- sina 1999 Brunei SEA Games champion Juanito Magliquan (45 kg), Godofredo Castro (48 kg.) at Maximo Tabangcora lll (75 kg.)

At dahil sa desisyon ng organizers, ang division ni Tabangcora ay walang medalyang ibibigay dahil dalawa lamang silang kasali, ang isa pa ay mula sa host country.

Ang partisipasyon ng RP Team Revicon sa torneong ito, na humatak din ng koponan mula sa China at Laos ay malaking tulong para sa Amateur Boxing Association of the Philippines na pinamumunuan ni Manny Lopez, para madetermina ang bubuo ng national team na lalaban sa SEA Games sa Disyembre at sa first Olympic qualifying for Asian sa Enero sa Palawan.

"That’s why they have to give their best because this could be their ticket to the SEA Games or eventually the 2004 Athens Olympics," ani Lopez.

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ATHENS OLYMPICS

FAMILY RUBBING ALCOHOL

GAMES BOXING

GLEN GONZALES

GODOFREDO CASTRO

JOAN TIPON

JUANITO MAGLIQUAN

MANNY LOPEZ

MARK MELLIGEN

TEAM REVICON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with