FEU vs Ateneo o FEU vs DLSU?
September 30, 2003 | 12:00am
Almost every weekend na lang yata ay may emergency meeting ang UAAP board sa dami ng protesta, apela at kung anu-ano pa.
Pinakahuli nga ay ang apela ng defending champion Ateneo Blue Eagles na i-replay ang kanilang laban ng De La Salle University makaraan ang gulong naganap sa semifinals nila noong nakaraang Huwebes.
Naging mitsa ito ng pagkakasuspindi ng ilang sangkot na mga players at higit sa lahat ang pagbibitiw ni UAAP commissioner Joe Lipa na mabuti naman at hindi tinanggap ng board.
Sa naturang gulo, pati na rin ang mga alumni ng bawat school ay nakihalo-bilo sa away. Harapang nagsisigawan at nagpalitan ng mga masasakit na salita.
Well, wala ka namang magagawa sa ganung kaguluhan dahil ipinapakita ng mga naturang alumnus ang kanilang concern sa kanilang alma mater.
As long as walang pananakit na pisikal sa mga players okay lang.
Kaso yung mismong mga players eh nagkabanatan pa yata na siyang naging sanhi ng kaguluhan.
Hindi maiiwasan na sa laro ay may kantian, sikuhan, pamamatid at kung anu-ano pa.
Pero kung talamak na at masyadong nasasaktan nag-re-react ng husto ang mga manonood at mga tagasubaybay.
Ganyan ka-igting ang bakbakang nagaganap sa mga school leagues.
Kaya nga nagkaroon ng mga kaparusahan ang mga involved at nasuspindi ang mga kasangkot. Laking kawalan para sa Ateneo si LA Tenorio na isa sa mga susi ng Blue Eagles.
Sa nangyari, pumabor ang ihip ng hangin sa Green Archers dahil siyempre nanalo sila at bagamat nasa Ateneo ang bentaheng twice-to-beat, mataas naman ang morale ngayon ng DLSU.
Kaya tiyak, mainit-na-mainit na naman ang bakbakan ngayon ng dalawang team dahil nakataya dito ang isang upuan sa finals at karapatang harapin ang naghihintay ng FEU Tamaraws.
So anong guess nyo? FEU-Ateneo ba? O FEU-DLSU?
Hintayin na lang natin ang resulta.
And good-luck kina Pareng Franz Pumaren at Joel Banal!
Personal: Happy birthday kay Tita Auring Jaraba (Oct. 1.), kay Ms. Margie Silaya (Oct. 2), Benjie Paras (Oct. 2), Ramon Fernandez (Oct.3) at kay Cel Ocampo (Oct. 5) at Beth Repizo (Oct.7).
Pinakahuli nga ay ang apela ng defending champion Ateneo Blue Eagles na i-replay ang kanilang laban ng De La Salle University makaraan ang gulong naganap sa semifinals nila noong nakaraang Huwebes.
Naging mitsa ito ng pagkakasuspindi ng ilang sangkot na mga players at higit sa lahat ang pagbibitiw ni UAAP commissioner Joe Lipa na mabuti naman at hindi tinanggap ng board.
Sa naturang gulo, pati na rin ang mga alumni ng bawat school ay nakihalo-bilo sa away. Harapang nagsisigawan at nagpalitan ng mga masasakit na salita.
Well, wala ka namang magagawa sa ganung kaguluhan dahil ipinapakita ng mga naturang alumnus ang kanilang concern sa kanilang alma mater.
As long as walang pananakit na pisikal sa mga players okay lang.
Kaso yung mismong mga players eh nagkabanatan pa yata na siyang naging sanhi ng kaguluhan.
Hindi maiiwasan na sa laro ay may kantian, sikuhan, pamamatid at kung anu-ano pa.
Pero kung talamak na at masyadong nasasaktan nag-re-react ng husto ang mga manonood at mga tagasubaybay.
Ganyan ka-igting ang bakbakang nagaganap sa mga school leagues.
Kaya nga nagkaroon ng mga kaparusahan ang mga involved at nasuspindi ang mga kasangkot. Laking kawalan para sa Ateneo si LA Tenorio na isa sa mga susi ng Blue Eagles.
Sa nangyari, pumabor ang ihip ng hangin sa Green Archers dahil siyempre nanalo sila at bagamat nasa Ateneo ang bentaheng twice-to-beat, mataas naman ang morale ngayon ng DLSU.
Kaya tiyak, mainit-na-mainit na naman ang bakbakan ngayon ng dalawang team dahil nakataya dito ang isang upuan sa finals at karapatang harapin ang naghihintay ng FEU Tamaraws.
So anong guess nyo? FEU-Ateneo ba? O FEU-DLSU?
Hintayin na lang natin ang resulta.
And good-luck kina Pareng Franz Pumaren at Joel Banal!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am