^

PSN Palaro

Ateneo vs De La Salle para sa huling finals slot

-
Tatlong players ang hindi makikita sa aksiyon dahilan sa ipinataw na one-game suspension.

Hindi na rin ito gaanong mararamdaman sa pagputok ng ‘do-or-die’ match sa pagitan ng nag-dedepensang kampeong Ateneo De Manila University at ng karibal nitong De La Salle University ngayong alas-3 ng hapon sa playoff match ng 66th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Pipilitin ng Blue Eagles na muling makapasok sa best-of-three championship series kagaya ng layunin ng Green Archers.

Tinalo ng La Salle ang Ateneo sa bisa ng over-time, 76-72 na nagtam-pok sa bench-clearing mula sa insidenteng kinasasangkutan nina LA Tenorio at Badjie del Rosario ng Blue Eagles at Ryan Araña ng Green Archers sa huling 1:31 ng final canto.

At sa pagkawala nina Tenorio at del Rosario, umaasa si coach Joel Banal na may sasalo sa iniwang trabaho ng dalawa sa kampo ng Loyola-based dribblers.

"Everybody must step up, particularly on the backcourt because of the absence of LA and Badjie," sabi ni Banal. "But we’ll be ready tomorrow (ngayon) against La Salle."

Kung nawala man si Araña dahilan sa one-game suspension, ang pagbabalik naman ni Mark Cardona ang magbibigay sa tropa ni Franz Pumaren ng sapat na lakas.

"We’ll try to beat them again for us to make it to the championship," sambit ni Pumaren, gumiya sa Green Archers sa ‘fourward’ noong 1998 hanggang 2001. (Ulat ni MRepizo)

ARANETA COLISEUM

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BADJIE

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FRANZ PUMAREN

GREEN ARCHERS

JOEL BANAL

LA SALLE

MARK CARDONA

RYAN ARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with