Archers vs Maroons sa men's finals
September 29, 2003 | 12:00am
Itinakda ng De La Salle University at University of the Philippines ang kanilang titular showdown na hindi nila nakuha noong nakaraang taon sa paghaharap nila sa mens volleyball crown ng 66th UAAP volleyball tournament.
Sa kabilang dako, nakuha naman ng Far Eastern University ang isang slot sa finals ng womens at hihintayin na lang ang makakalaban sa mananalo sa pagitan ng De La Salle at University of Santo Tomas na kailangang maglaro ng knock-out semifinal match sa Miyerkules.
Ang Green Archers, losing finalists sa nakalipas na dalawang season at top seed sa semis ngayong taon ay umabante sa finals makaraang pabagsakin ang Adamson University, 25-13, 25-15, 20-25, 27-25 sa isang oras at 25 minuto na upakan kahapon sa UP Human Kinetics gym sa Diliman.
Ang UP, na mula sa 7th noong 2001 ay tumuntong sa 3rd place noong 2002 ay ang malakas na contender ngayong taon, na may 11-3 win-loss record, ay nangailangan ng isang oras at 39 minuto upang patalsikin ang FEU, 24-26, 25-18, 25-18 para sa isa pang finals slot.
Magaan namang pinayuko ng Lady Tamaraws ang UE Redskirts, 25-9, 25-12, 25-21 sa kababaihan.
Mahigpit namang na-kipaglaban ang Lady Archers kontra sa Tigress para ipuwersa ang kanilang knockout match, sa pamamagitan ng 25-21, 25-14, 20-25, 25-21 pa-nalo. Ang Tigress ay may twice-to-beat advantage.
Ang knockout game ay nakatakda sa Miyerkules sa ganap na ala-una y medya ng hapon. At magsisimula naman ang finals sa Oktubre 5 sa UP Human Kinetics gym, habang magsisimula ang finals sa Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest