^

PSN Palaro

Philippine Badminton tourney sa Oktubre 4-26

-
Panibagong matitinding aksiyon na naman sa badminton ang sasaba-kan ng mga mahuhusay na manlalaro ng bansa sa paghataw ng Philippine Badminton Tournament Invitational Championships sa Oktubre 4-26.

Pangungunahan nina nationals Ian Pinecenaves, Arolas Amahit at Jaime Junio na nakatakdang kumampanya sa Vietnam SEA Games ngayong Disyembre ang kani-kanilang koponan na lalahukan rin ng mga dating national players at top club players.

Nakataya sa nasabing event ang P240,000 na ang magkakampeon ay mag-uuwi ng P120,000 habang ang second at third placers ay tatanggap ng P80,000 at P40,000, ayon sa kanilang pagkakasunod.

Ayon sa project director na si Weena Lim, na lumahok sa nakaraang 1996 Atlanta Olympics na optimistiko ito na ang halos isang buwang invitational ay magiging premiere badminton series ng bansa sa TV. Ang mga laro ay ipalalabas sa TV tuwing araw ng Linggo sa RPN 9 (4-6 p.m.) tuwing Martes at Huwebes sa Solar Sports (6-8 p.m.).

"This tournament is a part of the PBT’s year-round program, which is to help promote the badminton. As a player myself, I want to contribute in the development of the sport," ani Lim na nagwagi rin sa JVC Open women’s double title kasama si Kennie Asuncion, may ilang linggo pa lamang ang nakakaraan.

AROLAS AMAHIT

ATLANTA OLYMPICS

AYON

DISYEMBRE

IAN PINECENAVES

JAIME JUNIO

KENNIE ASUNCION

PHILIPPINE BADMINTON TOURNAMENT INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS

SOLAR SPORTS

WEENA LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with