6th win target ng Coca-Cola
September 26, 2003 | 12:00am
Ikaanim na sunod na panalo ang target ng Coca-Cola habang uma-asa naman ang San Miguel na matikman ang unang panalo kasama ang isang balik-PBA import sa magkahiwalay na laro ngayon ng Sam-sung-PBA Reinforced Conference sa Cuneta Astrodome.
Hangad ng Tigers na mapanatili ang kanilang malinis na record sa pakikipagharap sa Red Bull Barako sa alas-7:30 ng gabi na siyang main-game.
Makakasama naman ng San Miguel si Kwan Johnson, naging import ng Sta. Lucia noong 2000 sa kanilang pakikipagharap sa Purefoods sa alas-5:00 ng hapon.
Nais ng Coca-Cola na masundan ang kanilang 121-86 pamamayani kontra sa Ginebra noong Biyernes sa muli nilang pagsandal kay import Tee McClary na humakot ng 38 puntos sa naturang tagumpay.
Ang NBA veteran namang si Scott Burrell ang panlaban ng Red Bull na nakadalawang sunod na panalo sapul nang sila ay magpalit ng import sanhi ng kanilang pag-angat sa 3-2 panalo-talo.
Umaasa rin ang Purefoods na makakasama na nila si Derrick Brown sa kanilang laban ngayon. Pansamantala lamang nilang kinuha si Harold Arceneaux habang hinihintay si Brown na sumama sa isang summer camp.
Si Kwan, naging import ng Sta, Lucia noong 2000, ay may ipagmama-laking Most Valuable Player award mula sa United States Basketball League bago ito lumipat sa National Developmental Basketball League kung saan naglaro ito para sa Westchester Wildfire.
Taglay ng TJ Hotdogs ang 1-4 kartada kasunod ang nangungulelat na Beermen (0-5) sa likod ng Group A leader na Sta. Lucia (4-1) at pumapangalawang FedEx (2-4).
Sa King of the Court, One-on-One competition, magpapasiklaban naman sina Don Allado ng Alaska at Asi Taulava ng Talk N Text para sa 64 and above category.
Samantala, sa pagtungo ng Shell sa Calape, Bohol, ipaparada nila ang bagong import na si dating Houston Rocket player Tim Breaux kontra sa Barangay Ginebra. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended