2 silver medals sa Pinoy boxers
September 24, 2003 | 12:00am
XINJIANG, CHINA--Kapwa lumasap sina Ferdie Gamo at Lhyven Salazar ng kabiguan mula sa mga kamay ng Chinese national boxers noong Lunes at nakuntento lamang ang RP Revicon Team sa dala-wang uwing silver medals sa pagsasara ng 2003 Xinjiang International Boxing Championships dito.
Ginawa lahat ni Gamo ang kanyang makakaya at nakuha niyang kontrolin ang laban kontra Zhang Yizheng sa batamweight championships subalit natalo pa rin siya sa puntosan, habang nabigo naman si Salazar na masustina ang kanyang porma at yumukod sa World Championship light flyweight silver medalist na si Zao Shiming.
Ang kambal na pagkatalo ng Pinoy pugs ang naglagay sa Pilipinas sa ikaanim na puwesto sa overall sa 11-nation, 14-team international competition na nilahukan ng 97 boxers sa 11 weight categories.
Humakot ang China (national team) at China B ng tig-apat na gold na lahat ay pawang mga panalo sa pamamagitan ng puntos, habang ang South Korea, Pakistan at Kazakhstan ay nagbulsa ng tig-isa mula sa stoppages na panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended