^

PSN Palaro

Pinoy tahimik sa pagtatapos ng 3A's

-
Tahimik na tinapos ng mga Pinoy ang kanilang kampanya sa Asian Athletics Association (3As) Championships habang eksplosibong pagtatapos naman ang isinagawa ng China sa pagtiklop ng event na ito sa Rizal Memorial Track and Field oval kahapon.

Hindi na nadagdagan pa ang dalawang bronze medal ng RP Team mula kina long jumper Lerma Bulauitan-Gabito at long distance runner Eduardo Buenavista nang mabigo ang mga Pinoy athletes sa kanilang kampanya kahapon.

Maagang nasibak sa kontensiyon ang high jumper na si Sean Guevarra nang hindi nito na-clear ang 2.16metro habang nakuntento naman si long jumper Jobert Delicano sa 10th place.

Hindi na rin nagkaroon pa ng pagkakataon si Buenavista na madagdagan ang produksiyon ng bansa nang di na ito patakbuhin pa sa kanyang event na 5,000m run.

Matapos humakot ng 14-gold sa unang tatlong araw ng kompetisyon dinagdagan naman ito nina Xiaoxiao Huang at Mingming Ha ng kanilang record breaking performance sa women’s 400m hurdles at 20kilometer walk dagdag pa ang tagumpay ng kanilang 4x100 men’s relay.

Tinapos ni Huang ang 400m sa 55.66 segundo upang higitan ang 55.80 segundo ng kanyang kababayang si Li Rui na kanyang naitala sa Japan noong l998 habang nagsumite naman si Ha ng 1:31.47.00 para burahin ang 1:36.57 record ng kapwa niya Tsinong si Kellan Gao noong 2002 sa Sri Lanka. (Ulat ni CarmelaV. Ochoa)

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

EDUARDO BUENAVISTA

JOBERT DELICANO

KELLAN GAO

LERMA BULAUITAN-GABITO

LI RUI

MINGMING HA

PINOY

RIZAL MEMORIAL TRACK AND FIELD

SEAN GUEVARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with