Kanino ang NCAA Title ? sa Letran o San Sebastian
September 24, 2003 | 12:00am
Manatili kaya sa kamay ng San Sebastian College-Recoletos ang korona o maipagkait ng Colegio de San Juan de Letran ang isa na namang malaking achievement para sa Stags?
Ang kasagutan sa katanungang ito ay mababatid ngayon sa pagta-tapos ng NCAA mens basketball tournament kung saan mababatid ang magiging kampeon para sa taong ito.
Siguradong punum-puno ng tensiyon ngayon ang Cuneta Astrodome dahil dito magaganap ang pinakahuli at pinakamahalagang giyera ng torneong ito.
Gaganapin ngayon ang winner-take-all Game-Three finals sa alas-3:00 ng hapon na dudumugin ng mga Letranista at taga-Baste.
May kasaysayan na ang dalawang eskuwelahang ito dahil noong 1998, pinigilan ng Knights ang five-peat ng Stags nang kanilang agawin ito.
Tangka naman ngayon ng San Sebastian ang ikatlong sunod na titulo na magbibigay sa kanila ng tsansang mapantayan ang kanilang five-peat na kanilang isinagawa noong 1993 hanggang 1997.
At ito ang pinupuntiryang pigilan ni coach Louie Alas tulad ng kan-yang ginawa noong 1998.
Desidido naman ang San Sebastian na ipagtanggol ang kanilang korona matapos makabawi sa kanilang 73-89 pagkatalo sa Game-One sa pamamagitan ng kanilang nakaraang tagumpay.
Kung mananalo ang Letran ay maisusubi ni Alas ang kanyang ikaapat na NCAA title at ika-14 naman para sa Knights.
Ngunit kung magtatagumpay naman ang Baste, maipaghihiganti na rin ni Turo Valenzona ang Stags sa kanilang kabiguan noong 1998 kung saan siya ay tumatayong consultant para sa ika-11 panalo. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am