Brawner bagong Pangulo ng archery
September 23, 2003 | 12:00am
Nakisimpatiya ang National Archery Association of the Philippines (NAAP) board sa nilagdaang sentimiyento ng mga national archers hinggil sa liderato ng retiradong si General Jose Pedregosa, at nagha-lal sila ng bagong presidente nitong nagdaang linggo.
Pumalit kay Pedregosa na nahalal na NAAP president noong Abril ay si Lenora Fe S. Brawner, asawa ni Justice Romeo Brawner ng Court of Appeals na ang kanyang kapatid na si Felix ay isa ring retiradong military general.
Lima sa siyam na NAAP board members ang dumalo sa special board meeting, na nagbuo ng quorum. Bukod kay Brawner, nandoon din si Ligaya Manalang, Dionisio Flores, Cristina Reyes at Renato Bartolome.
Nasa Amerika naman si Siegfredo Velasquez at hindi nakadalo, habang ang iba pang miyembro na sina Dr. Juan Nañagas ay nasa Bacolod. Pinadalhan naman si Pedregosa at ang kanyang ally na si Nestor de Castro ng imbitasyon ng special board meeting subalit hindi sila dumating.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am